top of page
  • Blogger
  • Patreon

Welcome

Wake up. I write fictional stories.

 

-

 

Stories are wishes. Wishes are either bad or good, which is it?

Chapter 1

  • Mar 3, 2024
  • 9 min read

Updated: Jan 8

Few days before the hot scene...

"Claire!"

Another day, another calling for my name. Ano naman kaya ang kailangan nito sakin? Napatingin ako sa paligid. Hindi ba siya nahihiyang sumigaw sa loob ng ospital? Di ko tuloy mapigilan ang maawa sa mga matatandang naalimpungatan dahil sa istorbong si Marni. Isang pilit na ngiti ang pinakita ko sa matandang tumitig sa akin ngayon bago ko hinarap si Marni.

I was about to run towards her when I slipped on something soft and slimy. Muntik na akong matumba pero isang matambok-tambok at malambot na bagay ang nahawakan ko para suportahan ang sarili. The next thing I heard, every co-workers of mine squeaked in shock.

"Oh my God, sinasabi ko na nga ba, tomboy 'yan si Claire!"

"Hoy, tumigil kayo diyan. Oo, nakakadiri pero hinaan niyo lang boses niyo. Nasa Ward tayo ng matatatanda." Saway ng Senior Nurse sa kanila.

Saka ko lang napagtantong nalamas ko pala ang malaking dede ni Kathryn. Gulat na gulat ito. Her eyes are as big as an owl's orbs. Tuluyan ng nauntog ang puwet ko sa sahig dahil sa rahas ng pagtanggal niya sa kamay ko.

"Aray!", sigaw ko.

I never thought that that incident would turn out to be big and controversial for them. Diring-diri sa akin ang mga katrabaho ko. Idagdag pang naupuan ko ang sinuka nung matanda na nasa likod ko kanina. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Marni makatayo. Hinila na niya ako palayo para makatakas sa mapanghusgang mga katrabaho namin.
"Ayos ka lang ba?", nag-aalalang tanong niya.

"Hindi. Samahan mo ako mag-palit."

"Sige." Pumiyok ang boses ni Marni dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"At anong nakakatawa?" Pagtataray ko. "Mukha bang naa-appreciate ko ang pagpigil mo sa tawa mo, Marni?"

She giggled before taking a deep breath. "Oo na, pumasok ka na lang sa Locker room para naman mawala na ang suka sa puwet mo. Ang baho."

Inirapan ko siya at nagbihis na nga sa Locker room. Lunch break na namin ni Marni kaya dumiretso na kami sa cafeteria. I stopped mid-tracks when I saw Josh barking a laughter as he point his finger towards me while whispering something to his boyfriend. Sinamaan ko siya ng tingin matapos kong bumili ng pagkain at umupo sa harap nila ni Jake. Marni sat beside me.

"Welcome to the club, Claire the Tomboy." Asar ni Josh na ikinairita ko.

"It's 'lesbian', Josh, and not 'tomboy'." Mahinang pagtama ko bago sinimulang lumamon.
"So, lesbian ka nga?" Nginisihan ako ni Josh.

"Badtrip 'yan, 'wag mong asarin." Natatawang sabat ni Marni.

"Eh nagtatanong lang naman ako. Tsaka anong pinagkaiba ng Tomboy sa lesbian? Pareho lang naman yun." Kumagat si Josh sa mansanas na hawak.

"My gosh, nasa LGBTQ community ka tapos 'di mo alam ang difference? Patawa ka, bakla." Napipikon kong tugon.

"Eh ano nga kasi ang pinagkaiba?"

Huminga ako ng malalim para pigilan ang mainis bago inis na binalingan ang kanina pang tahimik na nobyo nito. "Jake, pwede tapalan mo ng tape bibig ng jowa mo? Kumakain ako. Masyado siyang istorbo."

Jake chuckled. "Tigilan mo na 'yan, love—"

"But I am genuinely asking." Josh said almost looking confused. "Hindi ko naman siya inaasar eh. Bakit 'di mo na lang kasi sagutin tanong ko?"

Hindi talaga siya makahalata na ayaw kong magsalita?

"Sapak, gusto mo?"

My day went on with Josh teasing me almost nonstop. Hindi ko na tuloy natapos ang pagkain ko dahil sa kanya. Nawalan na ako ng gana. Idagdag pang nasa katabing table lang namin si Kathryn at ang mga tropa nito. Panay pa ang lingon nila sa akin habang nagbubulungan. Mas lalo tuloy ako nairita.

People are so rude these days. Then again, I wasn't able to apologize to Kathryn for gripping on her boob like a pole earlier. I am the rude one here.

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aasikaso sa mga pasyente at hindi pinansin ang bulungan ng mga katrabaho ko. Naaalibadbaran na rin nga ako dahil panay ang iwas nila sa akin. Para bang may Hepa ako na kailangan nilang mag-ingat na 'wag madikit sa akin? Nakakapikon.

Dapat nga ay kaninang 1 pm pa ang out ko. 12 ng madaling araw pa ako pumasok pero malapit ng mag-3 ay wala pa rin ang papalit sa akin, kaya naisipan na lang ni Doctor Martinez na 'wag muna akong umuwi. Pumayag naman ako dahil dagdag pa sa suweldo. Mataas-taas pa ang OT pay, kaya kahit inaantok ay pinipilit kong 'wag makatulog.

I was busy with the computer work when I heard Marni calling my name. Nakatalikod ako sa desk ko kaya kailangan ko pang paikutin ang swivel chair para makita siya.

Marni, in her Nurse uniform, was running towards me. Hawak-hawak niya ang isang folder na kulay gray habang tumatakbo. Kitang-kita ko kung paano tumambol ang dibdib nito habang napapatirik ang mga mata ng kalalakihan sa kanya. Napabuntong hininga ako. How I wish I have that big boobs. Kung bakit ba naman kasi hindi ako biniyayaan ng malaking dede. Edi sana may boyfriend ako ngayon.

"See? Tomboy talaga siya."

"Oo nga. Matagal ko na 'yan napapansin. Lagi niyang tinititigan dede ni Marni."

"Parang lalake nga talaga siya kung makatitig eh. Namumula pa ang tenga at leeg niya, pati nga mata parang nanlilisik."

Napairap ako at binigyan ng masamang tingin ang mga tsismosa. Ang OA nila masyado. Sila pinanlilisikan ko at hindi ang dede ni Marni! Natahimik sila nung magsalita ako.

"A tomboy only acts as a boy, pero babae pa rin ang puso nila. While a lesbian is very much attracted to the same sex. Sinubuan ko na kayo dahil mukhang 'di niyo kayang maging independent. Pakabusog kayo sa pagiging tsismosa, ha?"

Pikon na pikon na talaga ako sa kakitiran ng utak nila! 'Di ba nila naisip na ang pamumula ng leeg at tenga ko ay dahil sa init ng ospital dahil sa sobrang hina ng air conditioner dito? Then again, masyado silang tsismosa to even ask me about it. Mas gugustuhin pa nilang mag-isip ng kung anu-ano kaysa direktang tanungin ang taong nagpapatakbo ng curiosity nila.

I felt someone slapped my arm, hard, causing me to look away from the gossipers. Napasinghap ako dahil sa sakit bago ko sinamaan ng tingin si Marni. Ngumuso lang siya bago sumenyas na sumama ako sa kanya. I gave my co-workers a one last menacing glare before following Marni. Lumiko ang kaibigan ko sa isang madilim na hallway kaya dali-dali akong sumunod.

Malapit na rin kasi akong mag-out, nakasalubong ko na kasi si Jennie.

"Salamat naman at pumasok na ang always 3hours late na si Jennie," panimula ko.
"Ano na naman yun na nakita ko kanina? Ang sama ng tingin mo kila Marjorie."

Umirap ako at humalukipkip. "Masyado kasi silang papansin. Mga tsismosa pa, walang magawa ng tama sa buhay. Kaya lagi silang nare-reklamo ng mga pasyente dito dahil sa mga bunganga nila."

When Marni slapped my arm, umalog ng konti ang dede niya. Damn, I should stop being obsessed with big boobs. Hinding-hindi ka magkakaroon ng ganyan, Claire! Magtino ka! Nakakahiya talaga kay Marni, baka mapansin niya na tinitingnan ko boobs niya.

"I know you're staring at my breasts, Claire." Natatawang hinampas niya ako ulit.

Napaiwas ako ng tingin. "Sorry na, bes. Bakit kasi sinalo mo pinakamalaking joga na binato ni Lord sa atin? Wala ka ng itinira sa mga tulad ko."

Humalakhak si Marni ng malakas at hinampas ulit ako, pero ngayon ay yung tray na ang gamit niya. "Grabe ka. Kasalanan ko bang biniyayaan ako ni Lord ng ganito?"

Ngumisi na lang ako. "Ano nga pala ang sasabihin mo?"

Namilog ang mga mata niya bago tiningnan ang relos. "Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. 'Wag mong kakalimutan imbitahan sina Jake at Josh, okay? Sa sobrang cold nila, ikaw lang naman ang nakakarinig ng manamis-namis nilang 'oo'."

"Oo na!", pabiro akong umirap. "Alam ko namang kinakausap mo lang ako dahil may gusto ka kay Jake."

Biglang lumaki ang mata niya at todo ang pag-iling. "Hindi ah!"

"Asus! Kunwari ka pa."

"Tsk. Hindi nga kasi! Sige, ipagpatuloy mo pa 'yan, 'di na talaga kita papansinin."

Ako naman ngayon ang namilog ang mga mata dahil sa sobrang seryoso ni Marni matapos lumipas ang ilang segundong ganoon lang ang ekspresyon niya. Akala ko talaga nagbibiro lang siya pero nung 'di man lang siya kumurap, doon na kumalabog ang dibdib ko.

"Joke lang naman!", sabay kinakabahang palo sa braso niya. Seryoso ba talaga siya? Hindi pwede!

Hinila ko ang buhok ni Marni na 'di pa niya tinatali nung unti-unting sumilay ang ngisi sa kanyang mga labi.

"Kainis ka!", kunwari ay naiirita ako pero nanginginig na ang lips ko sa kakapigil ngumiti.
Humagikhik siya. "Sige na, basta wag kayong mawawala sa jamming, ha? May sasabihin kasi ako sayo eh."

Pabiro akong umirap. "Oo na, may pupuntahan pa akong pasyente. Itali mo na buhok mo, disappointed mga lalake kasi 'di kita cleavage mo kanina," biro ko.

Marni chuckled while lightly patting the folder on my head.

"Hayaan mo sila. May dala akong gunting, baka gupitin ko future nila."

Kapwa kaming humagikhik nung may lalakeng nadulas sa gilid namin.

"Ang tsismoso mo talaga, Freddie," alaska ko.

Umalis itong kakamot-kamot sa batok kasama si Reynaldo.

"Pero I salute you." Sabi ko nung makalayo ang dalawa sa amin.

Kumunot ang noo ni Marni. "Bakit naman?"

I genuinely smiled at her. "Ikaw na lang kasi ang ka-isa-isang babaeng hindi lumalayo sakin. Halos lahat ay ilag na ilag na madikit sa akin dahil lang sa nahawakan ko boobs ni Kathryn."

Humagikhik si Marni bago winagayway ang hawak niyang folder na parang sinasabing tigilan ko ang mga iniisip ko.

"Kaibigan kita, Claire. A simple rumour ain't enough to break us apart."

Napanguso ako. "Kinilig naman ako diyan, bes."

"Tayo na lang ba bes?"

"Why not?"

Kapwa kaming napahalakhak nung sulyapan kami ng grupo ng mga babaeng napadaan sa gilid namin. Ang tsismosa talaga ng mga Pinoy kahit kailan.

"'Wag mo nga palang kakalimutan mag-apologize kay Kathryn." Paalala niya sa akin.

Sumimangot ako. "Do I have to? Ang judgemental kaya ng babaeng yun."

"Baliw ka." Natatawa niyang sabi. "Malamang kailangan mong mag-sorry para matapos na 'yang rumour tungkol sayo."

Bumuntong hininga ako. Nagpaalam na kami ni Marni sa isa't isa. May kailangan pa akong puntahan na pasyente. Yun na lang ang last kong gagawin dahil pagbalik ko sa desk matapos ang usapan namin ay nandoon na si Jennie.

Pagkarating ko sa Room 501, naabutan ko ang isang bata na naka-dextrose. Masayang tumatawa ito habang kausap ang matandang babae na mukhang Mommy niya. Ngumiti ako nung lumingon sa akin ang Ginang. Dahan-dahan akong lumapit sa hospital bed ng bata.

"Good afternoon... Mr. Alfredo?", tanong ko sa bata.

Matamlay itong ngumiti sa akin bago marahang tumango. I beamed a sweet smile at them.
"Ich-check ko lang po kung nakainom na kayo ng gamot..." I said after assessing the equipment attached to his body.

As I ask the Mother about his son's meds, pansin kong paubos na ang IV Fluid niya, mabuti na lang at hindi nagtagal ang tsismisan namin ni Marni. Malalagot ako nito kay Doc.

"Kaninang 2 pm pa po siya uminom." Tugon ng Ginang sa tanong ko.

Nilista ko ang mga kailangang palitan sa hawak-hawak kong folder na nilalaman ang impormasyon tungkol sa pasyente. Pati na rin ang mga gamot na nainom na nito para may kaalaman ang susunod na papalit sa shift ko.

"Anong gamot po ang ininom niya?"

Bumuka ang bibig ng Ginang pero hindi naituloy ang sasabihin at napakamot na lang sa batok.

"Pasensya na, Nurse Claire, nakalimutan ko po kung ano ininom niyang gamot."

Nginitian ko lang ito. "Pero nainom naman po niya lahat ng dapat inumin?"

"Opo. Mamayang 7 pm naman po siya iinom nung... anti-biotic ba 'yon?"

Tumango ako habang sinusulat iyon.

Dalawa ang anti-biotic na nakalagay dito sa record. Ang isa ay dapat iinumin ng pasyente around 2 pm, siguro 'yon ang tinutukoy kanina ni Mrs. Alfredo. Yung isa naman ay mamayang 7 pm. Kung hindi matandaan ni Ma'am ang ininom ng pasyente, malalagot ako nito. Pero 'di bale, basta nakainom na, ayos na 'yon. Malapit na akong mag-out. Bahala na lang ang papalit sa shift ko dito kina Mrs. Alfredo.

"Last na po ba yung mamayang 7 pm? Mayroon pa po ba siyang gamot diyan?"

"Ah opo, meron pa naman po dito... 4 am naman po siya iinom."

Bumuntong hininga ako. 'Di ko naman tinatanong kung anong oras ulit iinom ang anak niya, kailangan pa ba niyang iinform sa akin 'yon?

I mentally scoffed. Right, Nurse nga naman ako kaya niya sinabi yun. Which is kailangan ko nga malaman para alam din ng susunod sa akin. Pero feeling ko, si Jennie naman ang maga-asikaso sa kanila. 'Wag ko na lang kaya yun ilagay dito sa chart na hawak ko? May atraso sa akin ang babaeng yun.

Ngumuso ako. Malalagot pa rin ako kahit ang magiging kalalabasan ay si Jennie ang may kasalanan if ever may magsumbong. Tumango-tango ako habang nilalagyan ng Note ang hawak kong record. Okay na siguro 'to. Ngumiti ako sa kanilang dalawa bago nagpaalam. Mabilis akong naglakad palabas ng private room at dali-daling tumungo ng elevator.

Pagkatungtong kong 2nd floor ay dumiretso ako sa Locker room. Naabutan ko dun si Kathryn na nagbibihis. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang hubad na katawan nung makita ako. I rolled my eyes at how ridiculous she acts right now.

"Sorry." Matabang kong sabi.

Nung tumango siya ay — para sa akin — hudyat iyon na napatawad na niya ako. Kaya dali-dali akong lumabas ng Locker room at nakasalubong ko pa ang mga kaibigan niya. At hindi nakaligtas ang mga mapanghusga nilang tsismisan sa pandinig ko.

"Anong ginagawa nun dito?"

"Oh my God, did she molest you?!"

Ang arte mo Camille! Mabilaukan ka sana.

"Sinilipan ako."

Kumuyom ang kamao ko nung magsinghapan silang lahat. Guess I can't really change how they think of me. A mind that's too narrow is the hardest mind to persuade into being open and understanding. So I just let that stupid incident go and let them suffer in toxicity.

Mabilisan kong binigay sa front desk ng 3rd floor ang record na hawak ko bago pumasok ng elevator at agad pumindot sa panel. Nakapag-out naman na ako. I need to get ready for the party. Ilang oras na lang ang natira para sa pag-aayos ko. 'Di pa ako nakakabili ng damit na susuotin ko.

And just as I thought I'd be alone in the elevator, nakaramdam ako ng mainit na haplos sa bewang ko. Pinatindig ng mainit na hininga sa aking tenga ang balahibo ko sa katawan. The raspy voice whispering in my ears sent sensational shivers down my spine.

"At saan ka pupunta bakla?"

Hindi ko napigilan ang pagsilay ng mapaglarong ngisi sa aking mga labi nang makilala ang boses.

"Ang harot mo talaga, Joshua Gonzales."

Related Posts

See All
Chapter 3

Alas tres na ng hapon, nandito pa rin ako sa store ng Forever21. Tss. Wala namang forever. Dumiretso agad ako dito matapos lisanin ang...

 
 
 
Chapter 2

"Stay away from her." Mariing sabi ni Jake. Marni was stunned by his sudden yanking of her toward the Fire Exit. Silang dalawa lang ang...

 
 
 
Prologue

"The others are already making a move." Seryosong saad ni Jake sa kanyang asawa. "We cannot let them intervene," malamig na dagdag ni...

 
 
 

Comments


© 2023 by AA Entertainment. Powered and secured by Wix

bottom of page