Chapter 2
- Mar 3, 2024
- 7 min read
Updated: Jan 8
"Stay away from her." Mariing sabi ni Jake.
Marni was stunned by his sudden yanking of her toward the Fire Exit. Silang dalawa lang ang nandidito at walang kahit na sinong magtatangkang pumasok dito dahil sa Ghost stories na umiikot sa ospital patungkol sa lugar na kinaroroonan nila.
"What are you talking about, Jake?" kunot-noong aniya.
"'Wag ka ng lalapit pa kay Claire." 'Di na nagulat si Jake nung marahas na binawi ni Marni ang braso sa kanya. "You're not good for her."
"Who the hell do you think you are, her father?", sarkasmo niya.
"You know what I mean, Marni."
"Wala akong alam sa sinasabi mo." Mariing tugon nito.
"We know you like Claire." Natahimik ang babae. "You have feelings for her and she's clueless about your real intentions on befriending her. You're not the good friend whom she thinks you are. You're just like any other person trying to get closer to someone with hidden agendas."
Nanlamig si Marni sa mga sinabi nito. Her face went pale and grew startled and scared by the minute Jake continued to look her in the eye with nothing but coldness.
"Paanong... "
"It's not that hard to notice. It has never been difficult for me to sense a person who's just like me and Josh."
Saglit na napatitig si Marni sa kanya bago natauhan. Unti-unting naintindihan ang sinabi ng kaharap.
"Just because we're in the same community doesn't mean we're actually the same. Oo, bakla ka at nalaman mong lesbian ako, but who gave you the right to order me around? You don't have the right to reprimand me, Ignacio." Malamig niyang tinitigan sa mata si Jake. "I will stay by Claire's side anytime at any day I want, you don't have any say to whatever I do."
Umigting ang panga ni Jake. "Kita mo naman kung gaano naapektuhan si Claire sa mga pinagsasasabi ng iba patungkol sa kanya, hindi ba? She was accused of being a lesbian. Usap-usapan na ring sinilipan niya si Kathryn. Do you really think she'd be happy to know that you like her oras na malaman ng iba ang tungkol sa nararamdaman mo kay Claire?"
Marni's lips tightened in a straight line, unable to speak further. May punto ang lalake, at kuhang-kuha niya ang pinapaintindi nito. Pero ang hindi niya maintindihan, ay kung bakit nito hinaharangan ang pagkakataon niya kay Claire.
"Why do you even care so much? It's not like you're in love with her or something—" natigilan siya nung kumurap ito at agad napaiwas ng tingin sa kanya. "You like her, don't you?" Marahas na suminghap si Marni. "You like Claire! That's why you want me to stay away from her."
Tuluyan ng hindi makatingin si Jake sa kanya. Marni scoffed at him.
"I know what you're capable of, Jake Ignacio. You may be a working nurse here in St. Matthews Hospital, but you're still the heir to the Ignacio Empire. Subukan mo lang na ilayo sa akin ang best friend mo, kakalat sa buong bansa ang kahibangan mo sa isang lalake." Mariing banta niya. "If you don't want to disgrace your family to the world, better stick your nose to yourself. Hindi ako magda-dalawang isip na ipagkalat na ang isang katulad mo ay kayang-kaya maging taksil sa kanyang partner."
Marni left Jake with anguish. Galit na galit siya dahil muntik na siyang manipulahin nito. Mabuti na lang talaga at matinik ang intuitions niya. Kung 'di niya agad nahalata ang pagiging possessive nito kay Claire, malamang ay lulugmukin na naman niya ang sarili sa alak habang malungkot na tinatanggap ang katotohanang 'di siya magagawang mahalin ng babaeng mahal niya.
Jake can't ruin her.
"Not on my watch." She whispered, firmly.
Just when you thought you're alone, a man wearing a white lab coat emerged from the shadows. A slow clap can be heard echoing in the, once, silent background.
"You're already making a move to secure her, huh?" Anito sa malamig na boses.
"Shut up, Martinez." Iritang binalingan niya ito.
Demián Martinez — hugged by his black V-neck shirt, trapped in a white lab coat — slowly walked down the stairs of the Fire Exit and came face to face with Jake.
"That's not how to talk to a person who had witnessed your cheating habits."
"You mean, eavesdropping." Said Jake.
"Already building up a wall around Claire?" Umarko ang kilay nito. "She's not even that pretty and smart."
"Don't talk about her with that tone of yours, prick." Mariing wika niya.
Nagkibit-balikat si Demián. "Though, she has that intensifying effect, she's still stupid for my type."
Tumalim ang mga mata ni Jake. "Watch it—"
"Yeah, yeah. I'm just saying." Bumuntong hininga ito. "I'll get going." Nang nagsimula itong maglakad patungo sa pintuan na nasa likod ni Jake, bahagya itong tumigil sa may gilid niya.
"You should be careful, Ignacio. My half-brother is slightly having an interest on her."
Napatiim-bagang na lang si Jake habang pinapakinggan ang pagsara ng pinto. Kinuyom niya ang mga kamay, tila nawawalan ng pag-asa. No matter how many times he stirs clear from the tradition, Trieja will eventually succeed. And hearing about a Tiburcia taking a liking of his girl best friend, he is starting to feel scared for he and Josh's future.
"What should I do?" He helplessly whispered.
"Ang harot mo talaga, Joshua Gonzales," sabi ko.
Tinampal ko ang kamay niyang hindi pa rin niya inaalis. I wasn't comfortable with how he's holding me, especially when we're all alone in the elevator. Isa pa, boyfriend siya ng isa ko pang best friend. Tinuturing ko na si Josh na babae pero hindi ko pa rin mapigilan ang makaramdam ng kakaiba kapag dumidikit ang daliri niya sa bandang ilalim ng dibdib ko.
Josh chuckled as his hand accidentally slides up, touching the bottom part of my boob. I'm just a small woman, and whenever both of my best friends — sometimes — hold me like this and each of our bodies move randomly, they're likely to graze their fingers like this.
Kaya nga ayaw kong hinahawakan nila ako. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko silang dalawa sa mga makamundong pumpasok sa aking isipan.
"Bitawan mo ako, Josh.. " sabi ko sa mababang boses habang pilit tinatanggal ang kamay niya.
Ginawa nga nito ang gusto ko, pero nakaramdam ako ng kaunting lamig at pangungulila. Hinarap ko siya at nahihirapang lumayo.
"Anong ginagawa mo dito? Diba wala kang pasok?", tanong ko, pilit binabalewala ang mapupungay niyang mga mata na nakatitig sa akin.
"Ako ang papalit sa shift mo, hindi raw makakapasok si Jane."
Tumango-tango ako, umiiwas sa mga mata niyang sobrang lalim kung tumitig. Pinanood ko ang pagpindot ni Josh sa panel at binalik ulit ang dating pagkakahawak sa akin. Ayan na naman! Umiinit na naman ang pakiramdam ko habang pinapakiramdaman ang kamay niyang hinahaplos pataas-baba ang rib part ko.
"Excuse me, baks, yung kamay mo kadiri," asar ko sa kanya para mawala ang tensyong nararamdaman.
May pagka-salamin style ang pintuan ng elevator kaya madali kong makita ang reaksyon niya. Nakangisi na si bakla ngayon.
"Oh my gosh, ang siga na Claire Agustin, nakakaramdam din pala ng awkwardness sa katawan?", biro niya.
Magsasalita na sana ako pero impit na tili ang lumabas sa aking bibig dahil bigla niyang pinisil ang dibdib ko.
"Ano ka ba!" Sabay layo sa kanya.
At ang damuho, tinawanan lang ang pamumula ko.
"Bakit? Eh ilang beses mo na kaya akong nahuhuli na pinipisil dibdib mo kapag tulog ka, tsaka anong masama dun? Babae ako, babae ka... Like duh!" Arte nito.
Siningkitan ko siya ng mata. "Alam ko! Eh ako ang nagturo sa inyong dalawa ni Jake kung paano umasta na parang babae, pero yung hawakan ng boobs, in private lang dapat! Have you forgotten na may CCTV ang mga elevator sa isang building?"
Josh looked at me as if I was some riddle that was hard to solve.
"Eh diba naghahawakan kayong mga babae ng boobs in public? What's wrong with us doing the same?"
May point.
"Pero hindi pa rin siya kaaya-aya sa paningin ng iba... " my voice softened as I looked at him, just like how Jake would look at him whenever he's staring straight into his eyes. "Josh, lalake ka pa rin sa mga mata ng tao. Kahit sabihin mong bakla ka at may pusong babae, hindi pa rin pwedeng gawin ang mga ginagawa naming mga babae publicly yung mga natutunan niyo sa aking kabulastugan."
Josh rolled his eyes at me as he crossed his arms.
"So much for Gender Equality." He whispered.
Ngumiwi ako. "I know. The world practices Gender Equality, but everything has its limits. Katulad ng paghahawak ng boobs as jokes..." Hinawakan ko ang braso niya, pilit hinahagilap ang mga mata dahil iniwas niya ito. "People may witness how we girls tease with touching each others' boobs, it is somehow appropriate to the public eye. But if gays and girls do that, people would still consider the fact that: a gay is still a male."
"Bakit ba kasi kayo naghahawakan ng boobs?", pansin ko ang iritasyon sa boses niya.
Natawa ako. "Hindi ko nga rin alam eh. Basta, nakakatawa reaksyon ng mga kaibigan ko kapag boobs na ang involved sa asaran."
He scoffed as he tried to shake off my hand holding his arm. But I tightened my grip, determined to let this 25-year-old— who acts like a 5-year-old— understand the concept of the world.
"I get the fact that boobs are squishy and soft, but what's so good about teasing each other with it?", he added.
'Di ako nagsalita. Hindi ko naman talaga alam kung ano rason naming mga babae sa paghahawakan.
There was silence for a moment. Josh heaving a deep sigh before looking at me made me smile. I can feel that he's slowly accepting everything that I've said.
Humaba muna ang nguso niya bago nagsalita. "Pa-hug nga... "
I rolled my eyes. "Naku! Kung hindi ka sweet, 'di kita pagbibigyan."
Tinawanan niya lang ako habang hinihintay ang yakap ko. Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin na siya nung maramdaman ko ang kamay niyang pinisil ng may kalakasan ang boobs ko habang mahigpit na yumakap pabalik sa akin.
"Oh, yan ha, hindi na kita ng camera..."
"Josh! Sasampalin kita!"
Pero ang abnoy, tumawa lang habang patuloy pinipisil ang dibdib ko. Hindi ba niya maintindihan na may something akong nararamdaman every time nag-aasaran kami sa condo pagdating sa boobs? Tapos dadalhin niya ito in public? Kainis na bakla!


Comments